Isang malagim na trahedya ang gumulat sa sambayanang Pilipinas nang isa sa mga bus ng Newman GoldLiner, biyaheng pa-Baclaran-Fairview ang pinasabog habang nasa bus bay ng Buendia sa Makati . Ito ay naganap bandang alas-2 ng hapo, Enero 25. Limang katao ang nasawi habang labing-apat naman ang nasaktan at nagtamo ng iba’t-ibang sugat dahil sa nasabing trahedya. Malinaw na ang kaganapang ito ay isang pangboBomba at hindi basta-basta lamang mechanical trouble gaya ng mga naunang speculations. Kung makikita ay sobrang nakakalungkot ang iniwang eksena ng nasabing pagsabog. Sa sobrang lakas kasi ay nabutas ang mismong sahig at nawasak ang mga bintana na nasabing bus sapat na upang mag-iwan ng isang madugong eksena. Naputol ang mga paa ng dalawa sa mga nasawi, at may ilan din sa mga biktimang nabuhay ang naputulan ng paa. Nakakalungkot. Nakakikilabot kung ating iisipin. Maraming lumabas na ispekulasyon at mga hinala. Sinasabi ng iba na ito raw ay isang banta upang agawin ang kapangyarihan ng ating kasalukuyang pamunuan, delaying tactics naman ang sinasabi ng iba upang matabunan ang isa sa pinakamainit na issue ngayon tungkol sa car jacking. Pero ang higit na mas malinaw na ito ay kagagawan ng mga terorista. Nabasa ko sa isang pahayagan na dalawang buwan na ang nakaraan nang magbigay ng isang banta ng pag-iingat ang mga bansang America , Canada at Australia sa tangka ng terorismo, pero ito raw ay binalewala lamang ng ating gobyerno. Ngayon tuloy ay nagkakagulo na ang lahat. Kung susukatin ng isang pangkaraniwang mamamayang tulad ko ay gaano nga lang ba tayo kaligtas sa pang araw-araw nating biyahe, pamamasyal sa mall at pagbiyahe pauwi n gating mga probinsya? Ito raw kasi ang mga lugar na target ng mga terorista. Gaanu nga ba kahigpit ang seguridad na meron tayo?
Kanina lang ay na late na ako sa pagpasok sa opisina dahil sa tagal ng inspection sa MRT. Medyo nakakainis kasi pinaghirapan kong gumising ng sobrang aga para lang hindi ako mahuli sa pagpasok. Pero kahit pa aga ko ng umalis ay napabilang pa din ako sa higit isang daang katao ang sobrang tagal ng inspection.Umabot mahigit 30 mins.Sobrang dami na ng tao. Sa tinagal-tagal kong nagiMRT ngayon lang umabot ng ganun katagal ang inspection. Dati ang nagiging dahilan ng paghaba ng pila ay dahil sa may nasirang tren, pero ngayon madaming naantala dahil sa nangyaring bombing.Nakakainis para sa mga commuters na gaya namin kasi pinilit naming gumising ng maaga para hindi malate, pero dahil sa insidente nalate ka tuloy. Naging napakahahaba ng pila, doble sa pang araw-araw na haba ng pila na nararanasan ko. Mas naging siksikan ang pag-akyat. Lahat na yata ng pwedeng mapipi, napipi na. Siguro kung may baon ka pang nilagang itlog, baka nabasag mo na.Pagdating sa inspection, ang dating di kuhit ay ginagawang kalkal na talga. Kailangang buksan ng malaki ang bag na dala-dala mo,.kahit bulsa at kasingit singitan na sulok ng bag tinitignan.Ang lagayan ko ng baunan na dati okey lang na hindi ipacheck ay hindi nakaligtas sa pagpapabukas. Pero wala ka namang magagawa. Hindi pwedeng magreklamo dahil alam mo namang ginagawa lang nila ang trabaho nila, ang mas maghigpit dahil sa nangyaring bombing.. pagadting ko sa taas wala ng hassle. Walang siksikan dahil diretso pasok agad at walang naipong madaming tao. Pero kung iisipin, hindi ko alam kong kanit papaano ba ay may naging positbong epekto ang nasabing pangbobomba para sa aming mga MRT commuters.Naghigpit sa mga inspection area pero nagssuffer naman ang mga tao. Hindi kaya pwede na kasabay ng paninigurado eh hindi tayo naapektuhan? na sa kabila ng mahigpit na inspection, panatag kang sasakay ng tren dahil alam mong bibiyahe ka ng ligtas pero hindi mo rin kailangang magkumahog sa pagbaba dahil alam mong hindi ka pa naman malalate sa pagapasok. Siguro nga maliit na issue lang naman ang pagiging late kumpara sa sinisiguradong seguridad mo habang bumiyahe ka. Pwede namag gumising ng mas maaga pa. Pero sana habang nag-aadjust ang bawat pasahero, gumagawa din ng aksyon ang pamunuan ng MRT para naman hindi lang kami ang nahihirapan. Sana nagtutulungan.Baka pwedeng dagdagan ang mga point of entry ng inspection para hindi naiipon ang mga tao, o kya baka pwede namang magdagdag ng mga security guards para mas madami ang gagawa ng inspeksyon, at higit sa lahat, sana hindi lang ito maging ningas cogon hindi lang sa MRT station kundi sa lahat ng lugar na possibleng pangyarihan ng ganung trahedya. Hindi lang sana ngayon, bukas, at sa mga darating lang na isa-dalawang linggo maging alerto pagdating sa paninigurado ng ating seguridad. Sana maging hobby na ito ng mga taong incharged sa ganitong tungkulin. Ang tiyakin at siguraduhing ligtas tayong bibiyahe at gagala kung saan pa man.
No comments:
Post a Comment