Tuesday, February 1, 2011

Mga Kwentong pEbREro..


Hanggang Dito na Lang..Jimmy Bondoc

Akala ko’y habang buhay tayo
Akala ko hanggang dulo
kay haba pa ng kalsada
Dito nga ba tayo bababa?
Kung ganito na nga bang usapan
Kung dito na ang hangganan
Dapat sigurong iwasan ang mga minsang kamustahan
mga nakasanayan dapat nang kalimutan
upang di tayo magkasakitan
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Ikaw ba ang nagbago o ako o tayo?
Baka..tayo…
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
dahil humihirap lang
Hanggang dito na lang
Akala ko’y habambuhay ang awit
Akala ko’y hanggang langit
kay haba pa ng kantahan
Dito na ba tayo tatantan
kung ganito na nga ba’ng tadhana
sara’ng pinto at bintana
Dapat sigurong iwasan ang pagkatok sa’ting nakaraan
mga nakaugalian dapat nang pagbawalan
sunugin na ang mga larawan
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Ikaw ba ang nagbago o ako o tayo?
Baka..tayo…
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
Dahil humihirap lang
Hanggang dito na lang
Ang ganda na sana
Bakit biglang nag iba?
Ikaw ba ang nagbago o ako o tayo?
Palagay ko’y tayo
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
Dahil humihirap lang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
Dahil humihirap lang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
Dahil humihirap lang
Hanggang dito na lang

Mga Kwentong pEbREro..

Sweet_Valentines2010

Bf: Hon lapit na Valentines Day, nu plan mo?
Gf: Hmmm.. hindi ko pa nga rin alam eh, bakit ikaw ano ba plano mo??
Bf: AKO kasi lalabas kami ng mga TROPA ko..
Gf: Ahhh.. ok
(Ai teh! Hindi ka pala kasama sa plano eh.. wish mo sana HINDI  na lang nagtanong di ba??hahaha)

Mga Kwentong pEbREro..

LOVING IS SO SHORT..
FORGETTING IS TOO LONG..

HAPPY BIRTHDAY PAPA!!

Salamat..


*Salamat kasi gumigising ka ng maaga para ipagluto ako ng almusal at babaunin
*Salamat kasi kahit nakakatakot umakyat ng bubong at maiinit ay nagtatrabaho ka pa rin para sa amin
*Salamat kasi kahit gaanu mo kagustong sigawan ako kapag naiinis ka sa mga ginagawa ko ay pinipilit mo pa ding walang sabihin
*Salamat kasi lagi kang nagpapatawa
*Salamat kasi lagi kang naghahanap ng masarap na ulam na pwede naming makain kapag may sakit kami
*Salamat kasi masarap kang MAGLUTO
*Salamat kasi ikaw ang naglalaba para sa amin kapag minsan wala si Mama
*Salamat sa pagtitiyaga kahit na ako'y isang sutil na bata
*Salamat sa pag-aalaga
*Salamat sa paggabay
*Salamat sa pagmamahal
*Salamat sa lahat-lahat
*Salamat sa pagiging AMA.




Mahal na mahal kita! Happy-Happy birthday PAPA!!!

Mga Kwentong pEbREro..



♥♥♥ Guys out there, this may sound cheesy but you should have done at least something simple yet memorable and romantic Valentines day with your special someone, not on the 13th nor on the 15th but on the exact date where it falls, I swear, even a stick of kwek-kwek and sampaguita flower will definitely make the day an extra ordinary special.   ♥♥♥

Mga Kwentong pEbREro..

You.

You lend a hand to me
And share your sweetes smile
It seems that you must be
The Man I'll dream tonoght


You show the world to me
And set my wings to fly
I build my dreams with you
And promise you my heart


But now You left me here
Alone in the dark
How could You done this to me
You tear my world and broke my heart.

Mga Kwentong pEbREro..

BALENTAYNS DEY.


Valentines Day na naman. Sa ika-25 taon ko sa mundong ibabaw, ito na yata ang TOP ONE na okasyong ayaw ko (kung naging senadora lang sana ako baka nagproposed na ako ng bill na ipatanggal sa Kalendaryo natin ang Feb.14 at ipagbawal ang anumang uri ng pagsicelebrate nito). Pero tulad ng Pasko, isa ito sa mga okasyong isang buong buwan atang ipaparamdam sa'yo kahit saan ka man magpunta na buwan ito ng mga puso. Maglakad ka sa Mall makikita mo lahat ng mga stalls, food chains at kahit sinehan na may mga design na puso. Bagsak presyo ang mga stuff toys, chocolates, flowers, pati mga Motel eh samu't-sari ang pakulo para sa mga lovers na magsoshort time sa araw na ito(tsk.tsk.kaya tumataas ang bilang ng populasyon ng bansa natin eh). San' ka pa di ba? Kaya medyo nakaka bitter talaga para sa tulad naming mga SINGLES.Tapos kapag nasa lansangan ka pa ng mismong Feb.14 o kahit pa bago o isang araw pagkatapos ng 14 eh wala kang ibang tanawing makikita kundi ang mga magjowang buong pagmamamalaking ipagkakalandakan sa mukha mo na "mag-jowa sila at hindi obvious na sweet sila kasi Valentines".Hindi pa makukuntento ang mga yan sa paghoholding hands sa tapat mo, kung nasa likuran ka nila, ramdaman na ramdam mo na daig pa ang may karo ng patay at prusisyon sa unahan nila sa sobrang bagal maglakad( feeling nasa Luneta).  Samantalang yung iba sa harap mo pa mismo maglalampungan, nagyayakapan, tapos magugulat ka na lang biglang magnanakaw ng kiss si lalake tapos kunwari maiinis si babae, pero obvious naman na kilig na kilig.Oh sige ngayon mo sabihin sa akin na wala akong karapatang maging bitter???! OO, bitter na kung bitter, siguro naman hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito sa buong Pilipinas, sa buong mundo, dahil marami kaming mga SINGLES na laging nagmumukhang kaawa-awa sa mga ganitong okasyon.Kahit pa siguro ikaw ang pinaka mayaman , pinakamagaling, pinakamatalino, titulado, sikat at kahit nasa Guiness book of Records ka pa, kapag wala kang someone sa araw na ito, olats ka. Alam kong hindi makatwiran at hindi naman TAMA na ganito ang nararamdam para sa isang okasyon na dapat sana ay ipinagpapasalamat. Dahil buwan ito ng pagmamahalan. Pero dahil sa alam ko ang mismong pakiramdam na magmukhang kaawa-awa sa mga nagdaang Valentines day, marahil hindi ko rin masisi ang sarili ko. Kahit naman kasi noong nagka boyfriend ako ay hindi ko talaga naramdaman na naging special AKO/SA AKIN ang araw na ito (fyi, tuwing Valentines day sobrang nag-iexpect kaming mga girls ng bonggang-bongga sa mga karelasyon namin, kaya nakaka upset talaga kung wala man lang effort si boyfriend sa araw na ito). Walang flowers, walang stuff toy, kahit kapirasong tsoknat, WALA. Ni hindi kami magakasama noong mismong araw. At sa darating na Valentines, simple lang naman ang wish ko sa araw na ito eh.."Lord sana walang LOVERS na magkamaling humara-hara sa daraanan ko.. kundi.........UTANG NA LOOB MANANAPAK TALAGA AKO  NG MAGJOWA!!!  

Mga Kwentong pEbREro..

Mga KwEnToNg PEBRERO