Tuesday, February 1, 2011

Mga Kwentong pEbREro..

BALENTAYNS DEY.


Valentines Day na naman. Sa ika-25 taon ko sa mundong ibabaw, ito na yata ang TOP ONE na okasyong ayaw ko (kung naging senadora lang sana ako baka nagproposed na ako ng bill na ipatanggal sa Kalendaryo natin ang Feb.14 at ipagbawal ang anumang uri ng pagsicelebrate nito). Pero tulad ng Pasko, isa ito sa mga okasyong isang buong buwan atang ipaparamdam sa'yo kahit saan ka man magpunta na buwan ito ng mga puso. Maglakad ka sa Mall makikita mo lahat ng mga stalls, food chains at kahit sinehan na may mga design na puso. Bagsak presyo ang mga stuff toys, chocolates, flowers, pati mga Motel eh samu't-sari ang pakulo para sa mga lovers na magsoshort time sa araw na ito(tsk.tsk.kaya tumataas ang bilang ng populasyon ng bansa natin eh). San' ka pa di ba? Kaya medyo nakaka bitter talaga para sa tulad naming mga SINGLES.Tapos kapag nasa lansangan ka pa ng mismong Feb.14 o kahit pa bago o isang araw pagkatapos ng 14 eh wala kang ibang tanawing makikita kundi ang mga magjowang buong pagmamamalaking ipagkakalandakan sa mukha mo na "mag-jowa sila at hindi obvious na sweet sila kasi Valentines".Hindi pa makukuntento ang mga yan sa paghoholding hands sa tapat mo, kung nasa likuran ka nila, ramdaman na ramdam mo na daig pa ang may karo ng patay at prusisyon sa unahan nila sa sobrang bagal maglakad( feeling nasa Luneta).  Samantalang yung iba sa harap mo pa mismo maglalampungan, nagyayakapan, tapos magugulat ka na lang biglang magnanakaw ng kiss si lalake tapos kunwari maiinis si babae, pero obvious naman na kilig na kilig.Oh sige ngayon mo sabihin sa akin na wala akong karapatang maging bitter???! OO, bitter na kung bitter, siguro naman hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito sa buong Pilipinas, sa buong mundo, dahil marami kaming mga SINGLES na laging nagmumukhang kaawa-awa sa mga ganitong okasyon.Kahit pa siguro ikaw ang pinaka mayaman , pinakamagaling, pinakamatalino, titulado, sikat at kahit nasa Guiness book of Records ka pa, kapag wala kang someone sa araw na ito, olats ka. Alam kong hindi makatwiran at hindi naman TAMA na ganito ang nararamdam para sa isang okasyon na dapat sana ay ipinagpapasalamat. Dahil buwan ito ng pagmamahalan. Pero dahil sa alam ko ang mismong pakiramdam na magmukhang kaawa-awa sa mga nagdaang Valentines day, marahil hindi ko rin masisi ang sarili ko. Kahit naman kasi noong nagka boyfriend ako ay hindi ko talaga naramdaman na naging special AKO/SA AKIN ang araw na ito (fyi, tuwing Valentines day sobrang nag-iexpect kaming mga girls ng bonggang-bongga sa mga karelasyon namin, kaya nakaka upset talaga kung wala man lang effort si boyfriend sa araw na ito). Walang flowers, walang stuff toy, kahit kapirasong tsoknat, WALA. Ni hindi kami magakasama noong mismong araw. At sa darating na Valentines, simple lang naman ang wish ko sa araw na ito eh.."Lord sana walang LOVERS na magkamaling humara-hara sa daraanan ko.. kundi.........UTANG NA LOOB MANANAPAK TALAGA AKO  NG MAGJOWA!!!  

No comments:

Post a Comment