Saturday, February 12, 2011

mga kwentong pebrero..

Under CONSTRUCTION. (Seryosong kwentong Pag-ibig)

Foreman:  Ano, kamusta na ang PUSO ng isang yan? Ok na ba?

Construction worker: Boss hindi pa nga rin eh. Paulit-ulit na lang kami sa pagbuo nito.      Masyadong malaki ang sira eh.

Foreman : Tagal na nyan ah.

Construction worker: Eh pano po ba naman, sa tuwing nangangalahati na kami sa pagbuo nito eh bigla namang magtitext yung ex, ayun yung binubuo namin sabay mabubuwag naman ulit.

Foreman: Tsk.Tsk.Tsk. Mahirap to ah..o siya sige pagtiyagaan niyo na lang idikit yung mga dapat idikit. Tapalan yung mga dapat tapalan. Anu’t-ano ba eh maayos din yan. Ara-araw na lang kasing pina-follow up ni boss yan eh.  Hindi pa niya mabigyan ng bago hanggat malaki pa ang damage. Pag-igihin niyo na lang ang pag-aayos dyan.  Tapos double time.

Construction worker: Yes boss!


No comments:

Post a Comment