Tuesday, March 1, 2011

MARSSSOOOOO…

Marso na. Parang tinamaan ata ako ng kung anu at sa mga nagdaang araw ay nahihirapan akong mag posts ng mga article sa blog na ito. Hindi ko namamalayan na dalawang buwan na din pala ang lumipas. Sa loob ng dalawang buwan na iyon marami na rin namang nangyari (yata..)., ang pagka toxic sa trabaho ko, ang pagigng bitter noong buong buwan ng February, ang pagiging PROBI ko, haaayyy sa sobrang dami parang wala na akong maalalang iba. Kakatapos ko lang mag lunch break, chill-chill muna. At least ngayon, nakakapag compose ulit ako ng iba blog ko. Sa dalawang buwan na dumaan ay wala talaga ako masyadong matapos na article. Natoxic ako sa trabaho. Halos di na ako makahinga sa mga ASAP workload ko, overtime ako hanggang alas otso, lumalabas 8-8 ang pasok ko. Pati Saabado inaabot na din ako hanggang alas otso. Minsan nabubugnot na ako dahil sa hindi ko na alam ang uunahin. Maya’t-maya ang lapit sa akin ng kung sinu-sino dito , puro may mga pinapa ASAP. Pagpasok na pagpasok ko sa umaga follow up agad ang Supervisor at Gen.Manager namin, kinakamusta pa din ang mga ASAP ko, kabilaan ang e-mail dun sa mga pending ko.. haaaayyy buhay, buti na lang nakaka challenge ang pressure, masarap sa pakiramdam kapag nakaka accomplished ka ng goal mo para sa araw na yun. Masarap makipag habulan sa oras at kumarera sa deadline na ibibigay sa’yo tapos kapaag okey ka na parang merong kakaiba sa pakiramdam. Para kang nag roller coaster ride, yung tipong itaas ka tapos biglang bibitawan pero pagkatapos noon eh alam mo namang okey ka pa rin. Ganundin ang pakiramdam ko sa tuwing nabi beat ko yung mga deadlines ko. Parang may kung anong kakaiba sa pakiramdam, euphoric.hehehe at syempre wala na akong maiisip sabihin pa. Matatapos na rin ang break time namin, trabaho na ulit. Yun na lang muna sa ngayon. Mamaya tapos na ulit ang isang buong araw at sa susunod na mga pag gising ko, panigurado ay magpapalit na naman ang buwan. Haaayyyy.. kamusta tamus MARSOOOOO….

No comments:

Post a Comment