Ako'y may kaibigan Maria Shaira ang pangalan.. maamo ang mukha, buntot ay mahaba, mahal niya ako at mahal ko rin sya...
Testing lang... wala na ulit masabi...
But wait, there's more...!!
Hmmmm...parang wala talaga..Ang hirap magsulat eh..ang hirap mag-compose lalut alam mong wala namang pinaghuhugutan... o siya sige na, nagpapa-pansin lang.......
Kunwari gumagawa lang ako ng testimonial sa friendster, oo friendster! hindi facebook at hindi twitter pang friendster pa kasi ang edad ng taong ito eh. Hmmmmm.....aaaammmmm....eeeeemmmm....hmmmmmffff....pampahaba, pamparami, para kunwari madami na akong nasabi. Wala na akong ma-say eh. Ewan ko ba, tagal ko na din tong kakilala, pero di naman umuunlad ang buhay ang buhay ko sa hinaba-haba ng panahon mula ng maging kaibigan ko siya. Wala rin naman akong natutunan sa taong ito. Parehas lang kami nito, sutil, maloko, matigas ang ulo. Wala ka ring mapapala sa pakikipag-usap dito. Walang sense mga sasabihin nito sayo. Naku ah, wag nyo kong aawayin, nagsasabi lang po ako ng totoo.
Sampung taon ng pakikipagkaibigan. OO sampung taon. Ten years. Isang dekada. Tsk.tsk. Parang medyo matagal-tagal na ata yun. At sa sampung taon na iyon ay ilang beses na rin bang nasubok ang pagkakaibigan namin, isa, dalawa, apat, lima.. di ko na alam, tagal na rin kasi ng sampung taon. Wala na akong maalalapa. Pero syempre sa sampung taong iyon ay may mga ilang bagay din namang naitatak sa akin ang naging pagkakaibigan namin. Ito ay ang mga sumusunod:
PAGTANGGAP SA KUNG SINO AKO. Dabes tong taong ito pagdating sa bagay na ito. Maarte ako, makupad, mababaw, matampuhin, makulit, pasaway, snatcher, hold-upper, drug pusher, maging anu't anupaman ay tanggap nyan ako. Kahit nga siguro naging unggoy, aso o baboy pa ako eh tatanggapin parin ako nito. Dahil ito siya, kaya nyang tanggapin kahit ano ka pa basta kaibagan mo siya.
BILIB TO SA MGA TALENT KO. Kahit ako ay minsan eh di convince sa mga bagay na pwede at kaya kong gawin. Pero isa to sa mga taong naniniwala sa mga kakayahan ko. Vice-President to ng fans club ko habang tatay ko ang Presidente at si Majesty naman ang Secretary . Tapos yung mga fans ko, ayun pinagsisikapan pa rin nilang buuin magpasa-hanggang ngayon. Salamat kasi isa to sa mangilan-ngilan na taong bilib sa kakayahang meron ako.
DI KA NITO IIWAN/ILALAGLAG SA ERE. Peple come and go... Andami ko ng nakilala na akala ko pang matagalang mga kaibigan na. Pero karamihan sa kanila nawala din. Yung iba, akala mo masasandalan mo sa oras ng pangangailangan, pero sa kalaunan pala, mawawala at mang-iiwan rin. Ito ang isa sa taong nagpatunay na kasangga mo sya hanggang sa huli. Ten years ago ay hinding-hindi ko pa rin makakalimutan yung sinabi nyang "kahit iwanan ako ng ibang tao, ay hinding-hindi siya mawawala sa tabi ko"...nakakataba ng puso, at dahil dyan ay nagka-cardiomegaly ako (korni na!). Pero subok na subok ko yung sinabi nyang yun. Sa sampung taon ng pagkakaibigan namin, isang eksena lang ng buhay namin (syempre di pwedeng wala, di makatotohanan) na naramdaman kong naglie-low ang pagkakaibigan namin, yun ay noong nagsisimula siyang magka boyfriend (pagbigyan, lumalablayp eh). Alam kong siya ang isa sa kinakapitan ko sa mga pagkakataong walang mga kaibigang pwede kong masandalan, expertise niya yun eh.
PAGTATANGGOL KA NITO. Kaaway ko, kaaway niya, nilalait ko, mas nilalait niya. Kulang na lang sugurin niya rin ang mga taong nananakit sa akin. Maldita to kaya mag-iingat kayo. Kapag yumaman nga ako kukunin kong bodyguard ko to eh.
MAMAHALIN KA NIYA AT IINGATAN ANG PAGKAKAIBIGANG MERON KAYO. Duda ako dito sa huling sinabi ko..wait lang, parang wala na akong ma-say eh...hehehehe, ayun! Sige na nga matapos lang to...tuwa ko na lang kasi may sapi ako saaraw na ito. Maraming tao ang nagmamahal dito, dalawa kami..at ang boyfriend nya..hahahaha, joke ulit yun. Di ko na kailangang isa-isahin ang mga taong nagmamahal dito, kasi nga marami kami. “do unto others what do you wanted to do unto you” motto ko para sa kanya. Dahil sa magaling siyang magmahal ay walang duda namang ibinabalik sa kanya ng mga taong iyon ang pagmamahal na ibinibigay nya. Dabes tong magmahal. Mamahalin ka niya at iingatan bilang kaibigan niya. Walang duda at walang pag-iimbot!
Ayun lang, buti naman at natapos ko rin, laki ng atraso ko dito eh. Dapat may date kami nun Friday kaso dahil sa nauso ang tinatawag na required overtime kaya ayun, na-Indian ko siya. Tapos Sabado may lakad ako, Linggo dapat pupuntahan ko siya kaso pagktapos ko namang maglaba, yun lang!nakatulog ako..tsk.tsk. Bigdeal sa kanya yun dahil nun 29 pa yung birthday niya pero a-uno na ni wala pa din siyang greetings o special something galing sa akin, eh nag-iexpect pa naman yun. Sana pwede ng peace-offering to. The very first time kasi na ginawan ko ng article to eh naiyak daw sya, ewan ko lang ngayon kung mapapaiyak ko pa din ba.
O eto seryoso na, malamang nauuta ka na sa pagbabasa nito. Magpi-finale na ko..hmmm kunwari madrama, para naman maantig ko ang puso mo.
Sa aking kaibigang si Maria Shaira Maluntag Gatdula, nawa’y lagi mo sanang tatandaan na anu’t anupaman ang mapagdaanan ng ating pagkakaibigan ay mananatili tayong magkasangga hanggang sa huli..para tayong si Robin at si Batman, puto at dinuguan, tinidor at kutsara, panty at bra, na kailanma’y hindi pwedeng mawala ang isa’t-isa. Ikaw ay isa sa mga kaibigan kong hindi matutumbasan at lalong hindi ko ma-afford na mawala sa akin. Ikaw ang iyakan ko, katawanan, kaharutan, kadiskusyunan, at isa sa pinaka dabes na taong nakilala ko sa balat ng lupa. Tumanda man tayo, alam kong magiging magkumare pa rin tayo, alam kong magiging mag-bestfriends ang mga anak naten. At kung lalaki at babae sila na rin ang magkakatuluyan para maging magbalae naman tayo.
Salamat sa lahat-lahat, alam kong minsan nyo lang ako maririnig na nagpapasalamat, dahil sisigurduhin kong maramdaman nyo kung gaano ako ka-thankful sa tuwing magpapasalamat ako sa inyo. At kahit dumaan pa ang mga taon, mapalayo o mawala man ako... alam kong hindi matutumbasan ang pagkakaibigang meron tayo. Salamat at may isinilang na isang Pokz! O siya, hanggang dito na lang...
Maligayang-maligang kaarawan Mahal kong Pokz!! (kahit late na)..
Mahal na Mahal kita!! (eewww cheessy....)
Love,
Tokz..
OMG OMG OMG!!!wagas tokz....muli nanaman pumatak ang laway ko!ay luha pala,,hehehe sobrang nakakaantig....i love you tokz...napaiyak nnmn ako,,sbhin mo nga ung totoo ikaw ba ang asawa ni BOB ONG?ay alam ko na kc lalaki ka e,,ikaw c BOB ONG?ahahaha weh d nga?no you're not kasi ikaw c joedith tagalog rimano>>>eto ang dapat pero kaw c joedith antigua remano,,ung bestfriend ko na magaling na everytime ko nbabasa ang mga sinulat pang PALANCA award or better yet NOVEL piece...ayan bumabawi hehe,,seriously tokz ang cheeeeeezzzzzzzzzzyyyyyy mron nanaman ako babasahin pagnalulungkot ako at bago!WOW i always see my best in your eyes.pagnakakalimutan ko na my ibubuga pa pala ako,,,,thank you soooo muchh....love you
ReplyDeletee hahabol ko pa ayan dahil d ako makapagpost ayun ginawa ko create ako ng google account ko...hehehe
ReplyDeletesa sobrang gusto ko mag comment hehehe
hehehe.. Tenkyu naman at nagustuhan mo.. kayo ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakapagsulat ako.. kasi naniniwala at nauuto ko kayo na kahit papano eh entertaining ang mga articles ko... love you Pokz!
ReplyDelete