Para Sa’yo..
Boring dito sa opisina. Kung hindi madaming bills, mabagal ang system. Nakakabadtrip. Minsan dumarating pa sa pagkakataong wala kang makausap..lahat nakadukdok sa mga monitor.Toxic.Buti na lang naimbento ang Note pad at Microsoft word.Sosyal ako ngayon, kung dati ay ballpen at isang maliit na notebook o kaya scratch pad ang hawak ko sa pagsusulat ng mga article ko, ngayon ay may notepad/microsoft word na akong kasangga sa mga oras na kailangang hindi maubos ang aking pasensya sa bagal ng system o sa boring na araw sa opisina. May espesyal sa araw na ito.. may isang mahalagang pangyayaari dalawapu't limang taon na ang nakakaraan. Kung ating babalikan isang batang babae ang isinilang. Isang malusog at nakatutuwang sanggol.Lumaki kapiling ang buong pamilya. Hindi ko man alam kung paano siya lumaki at pinalaki pero sigurado akong pinalaki siya ng tama, minahal at inaruga. Sa pagadaan ng panahon nagkaroon ng mga kaibigan, pero matagal bago nakhanap ng mga taong nasabi niyang tunay na kaibigan. Nabuhay siya sa tahimik na mundo niya. Bihira siyang maririnig na masayang masaya sa pagkukuwento ng kung anu-ano lang, madalang kung magsalita. Mahiyain at may pagka masungit minsan. Pero hindi mapapantayan ang angkin niyang talento. Magaling siyang mag drawing at magsulat. Siguro doon niya lang naibubuhos ang lahat-lahat sa kanya. Ang mga bagay na hindi niya masabi, ang mga bagay na hindi niya magawa, mga bagay na hindi niya naranasan at hindi panararanasan, mga bagay na hindi niya maramdaman at maiparamdam sa kanya. Iyon ang kanyang mundo, ang kanyang buhay, ang bukod tanging nagpaparamdam sa kanya na meron siyang bagay na pwedeng maiambag, na merong isang bahagi ng kanyang pagkatao na alam niyang siyang-siya.
Isa siyang maasahang kaibigan. Laging handang dumamay. Hindi man siya madalas na nagsasalita sa tuwing ikaw ay magbabahagi ng problema sa kanya, pero alam mong nandyan siya at matamang makikinig sa'yo. Walang anumang salita pero umiiyak kasama mo. At sa pagdaan ng mga araw, buwan at mga taon ay mas lalo siyang lumago bilang isang tao.May narating sa buhay (Registered Nurse), mas nagtagumpay, mas naging matatag. Ang dating ga-butil na tiwala sa sarili ay onti-onting lumago. Mas naging bukas ang isipan at mas natutong humarap sa hamon ng buhay.
At ang araw ngang ito ay isa sa pinaka-espesyal na sandali ng kanyang buhay. At sa lahat ng naibahagi ko sa article na ito maaring TAMA ako, maari din namag HINDI. Pero iisa lang ang bagay na sobrang nakasisiguro ako. Isa siyang mabuting tao. Isang kapatid. Isang totoong kaibigan.
Maligayang kaarawan!!!!
Jhoey.
No comments:
Post a Comment