Masakit pa din pala..
Pagka-uwe galing opisina nagrent ako sa isang computer shop malalpit sa amin, sabi ko may titingnan lang ako sa Facebook ko, tagal ko na rin kasing hindi nakakapag bukas at nakaka pag update nun.. at gaya ng dati ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong tignan ang Blog mo.. siguro nga alibi ko lang na sabihing may kailangan akong tignan sa Facebook, dahil ang totoo na-mi-Miss lang talaga kita..At gaya ng lagi kong gingawang pagstalked sa mga account mo ay paulit-ulit pa din yung sakit na nararamdaman ko.. para ko lang paulit-ulit na tino-torture yung sarili ko..
Hindi ko alam kung ano ba yung napapala ko sa mga pinag-gagawa ko.. Pagkatapos ko kasing mabasa yung mga posts mo ay uuwe lang akong Luhaan... at hindi lang basta-bastang luhaan.. kundi Umiiyak ako ng sobra na para bang bagong-bago sa akin yun sakit na nararamdaman ko..
Habang hinihimay ko bawat nakasulat dun.. umiiyak na naman ang puso ko
dahil alam kong Masaya ka na sa piling N’ya.. Na kayong dalawa at sya na lang ang mundo mo.. ewan ko kung bakit magpasa hanggang ngayon
hindi ko pa din kayang tanggapin yun.. na wala ka na.. na wala ng Tayo.. na kahit ano pa ang gawin ko hindi ka na babalik sa kin.
Habang binabasa ko ang bawat gawa mo.. nangangarap ang puso ko na sana ako na lang sya.. na sana ako na lang ang Minahal mo ng ganyan. Masakit pa din pala.. masakit mangarap.. masakit umaasa.. masakit pa din pala..
Ilang buwan na rin tayong Wala pero sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataong basahin ko ang Blog mo ay ganito pa din katindi yung sakit na nagiging hatid nito sa akin, pero syempre wala kang alam sa mga pinagdadaanan ko.. hindi mo alam na gabi-gabi pa rin akong umiiyak na para bang kahapon ka lang nawala sa'kin. Hindi mo alam na halos araw-araw kitang naiisip.. paulit-ulit kung naalala yung mga pinagsamahan natin noong Tayo pa ang Magkasama..at syempre paulit-ulit pa din akong Nasasaktan.
Minsan parang gusto ko ng Mapagod.. parang gusto ko ng Bumitaw sa lahat ng mga pinaniniwalaan ko.. Ang dami na ding Nawala sa akin kasabay ng pagkawala mo..nawala ang Kaibagan kong sobrang itinuturing kong malapit sa puso ko..nawala ang Kaligayahan ko.. nawala ko ang Sarili ko..
Ngayon parang gusto ko na ding mapagod Manalangin.. kasi kahit gaanu ko pa ipagdasal na alisin nya ang Sakit na nadarama ko ay paulit-ulit parin akong nasasaktan.. walang pinagkaiba..walang pinagbago.. akala ko magiging mas matatag ako noong Iwan mo ako.. hindi pala, pakiramdam ko kasi ngayon unti-onti na akong Nauupos.. ni hindi ko na naiintindihan ang bawat pangyayare sa buhay ko.. mas madalas akong Malungkot kesa sa tumatawa.. madalas akong Nagpapanggap na Okey lang ako pero ang totoo ay parang gusto ng sumabog ng dibdib ko.. wala akong makausap..wala akong Masandalan.. wala akong Karamay..
Hanggang Kailan pa kaya ako magkakaganito?? hindi ko na maramdaman ang paligid ko.. Hindi ko na maramdamang tumitibok ang Puso ko..hindi ko na maramdamang Nabubuhay pa ako.. Sana makarating sa'yo to.. hindi para Kaawan mo kung ano ang pinagdaraanan ko.. kundi para maiisip mong nasasaktan pa din ako dahil sa sobrang pagmamahal ko sa'yo.., kahit pa alam kong matagal na akong wala dyan sa puso mo.
this post was created last Dec.22,2010.. sa ngayon nakokornihan pa din ako sa tuwing mababasa ko to pero alam kong this is exactly how I felt at that very moment. Masakit pa din minsan pero masarap namang balikan na sa kabila ng sobrang sakit ay nagagawa ko pa ding ngumiti.
No comments:
Post a Comment